· BUOD AT REPLEKSYON·
Carrot, itlog, o butil ng kape, alin ka ba sa tatlong ito? Ang carrot ay matigas, matibay at malakas nung una ngunit ng ito'y subukan nating ilahok sa mainit at kumukulong tubig ay naging malambot, mahina at unti unting nawawala ang kulay.
Itlog? Malambot ang laman ngunit noong ito ay ilahok sa mainit na tubig ay naging matigas ang loob nito.
O butil ng kape? Ang butil ng kape ay matigas, kulay kayumanggi at ito'y natural extract ngunit ng ito'y mailahok sa kumukulong tubig, ito'y natutunaw at ang kulay nito ay kumalat at naihalo sa tubig. Ang tubig ay nagkakaroon ng masarap na lasa, hugis, tigas, lambot at kulay ang tatlong sangkap.
Ang butil ng kape ay may pinakamabisang halimbawa ng pagbabago na may magandang anyo ang kinalalabasan. Para sa buhay ng tao, hindu lahat ng tao ay kayang lutasin at lampasan ang pagsubok. Hindi lahat ng tao ay pare pareho ng pananampalataya. Iba't iba tayo ng paraan kung paano lutasin ang mga hadlang sa buhay. May mga mahina at may mga malalakas. Lahat tayo ay may pagsubok kaya nasa sayo kung gaano mo tatatagan ang loob mo. Upang magkaroong ng kaliwanagan ang anak, binigyan ng ama ng mabisang representasyon ang kanyang anak tulad ng tatlong sangkap at dagil sa tatlong bagay na inilahad ng ama, nagbago ang anak sa pamamagitan ng pagtuturo o pagbibigay ng halimbawa. Kung ako'y naging anak sa kwento at haharapin ko ang hirap ng buhay, unang una para sa aking pamilya at syempre para sa Diyos.
Bilang isang mag aaral, dapat meron akong tibay ng loob upang harapin ang mga pagsubok sa buhay at sasabayan ko ito ng pagdarasal sa amang makapangyarihan sa lahat.
Dapat tayong kabataan ay may positibong pananaw at isip tung kol sa buhay. Dapat tayo ay matured na sa pagdedesisyon upang matamo ang tagumpay. Sa mga pagsubok dapat nating isa puso ang hinaharap kahit ano man ang balakid na problema. Kaya kung ano ang meron, kailangan nating tanggapin yun. Dapat rin harapin natin ang mga pagsubok na walang takot at pangamba.